-- Advertisements --
Libu-libong manonood ang nakiisa at nagpakita ng suporta sa homecoming parade para kay Michelle Dee ngayong Linggo sa SM Mall of Asia Complex sa Pasay City.
Inspired by Apo Whang-Od pa rin ang isinuot na gown ni Michelle. Sa ilalim ng kanyang white robe dress ay isang gown na may disenyong tattoo na katulad ng kanyang huling evening gown sa ginanap na Miss Universe pageant. Suot suot niya rin ang korona ng Miss Universe Philippines 2023.