-- Advertisements --
Gagamit na lamang ng computer-generated imagery (CGI) ang Hollywood film studios sa mga bed scenes.
Ito ay para maiwasan ang posibleng pagkalat ng kaso ng coronavirus.
Ang nasabing hakbang ay isa sa mga panuntunan na isinumite ng film editor’s trade association para sa kanilang pagbabalik operasyon.
Mula pa kasi noong Marso ay tumigil ang mga paggawa ng pelikula sa Hollywood dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Kabilang sa nasabing bagong panuntunan ay ang regular na pagsasailalim sa pagsusuri ng mga actors at production staff.
Inilabas ang guidelines matapos na payagan na sila ng gobyerno ng California sa pagbabalik ng operasyon ng mga paggawa ng mga pelikula.