-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Priscilla Pointer sa edad na 100.

Kinumpirma ng anak nitong Oscar-nominated actress Amy Irving ang pagpanaw ng ina.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang actress sa pagpanaw ng ina.

Si Irving ay ikinasal sa sikat na director na si Steven Spielberg mula 1985 hanggang 1989.

Unang lumabas ang actress na si Pointer sa pelikulang “Carrie” noong 1976.

Ilan sa mga pelikulang kasama siya ay ang “Honeysuckle Rose”, “Acts of Love” at maraming iba pa.

Isinilang noong Mayo 18, 1924 ay nag-aral si Pointer sa teatro at lumabas sa ilang mga Broadway shows.