-- Advertisements --
Ibinahagi ni Hollywood star Michelle Pfeiffer na mayroon na siyang apo.
Sinabi ng 67-anyos na actress na kakaiba ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang apo.
Ang three-time Oscar nominee na si Pfeiffer ay mayroong ampon na anak na babaeng si Claudia at anak na lalaki na si John Henry.
Mula sa TV at pelikula ay bumida ang actress gaya sa pelikulang “Scarface”noong 1983, “Batman Returns” noong 1992 at maraming iba pa.
















