-- Advertisements --

Pormal na ng sinampahan ng kaso ng involuntary manslaughter ang actor na si Alec Baldwin at ang set armorer na si Hannah Gutierrez-Reed.

Ito ay may kinalaman sa naganap na aksidenteng pamamaril habang ginagawa ang pelikulang “Rust” noong 2021 na ikinasawi ng cinematographer na si Halyna Hutchins.

Kinumpirma ito ni District Attorney Mary Carmack-Altwies matapos na makakalap ng mga ebidensiya.

Ginamit din ng korte ang video na panayam sa actor matapos ang insidente.

Lumabas din sa imbestigasyon na ibinigay ni Gutierrez-Reed ang baril kay assistant director Dave Halls at sinabing ito ay walang laman na mga bala.