-- Advertisements --

Idineklara ng Malacanang na holiday sa lungsod ng Maynila sa darating na Hunyo 24.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng lungsod ng kanilang ika-451 founding anibersaryo.

Ang nasabing deklarasyon ay pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nakasaad sa nasabing deklarasyon na mabibigyan ng pagkakataon ang mga taga-lungsod ng Maynila na magdiwang sa nasabing okasyon.