-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DoH) na tanging ang bilang pa lang ng firecracker at stray bullet related injuries ang mailalabas nila ngayong linggo at hindi pa ang overall assessment sa nagdaang holiday season.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kasama sa magiging report nila ang bilang ng COVID-19 cases sa nasabing panahon at ang mga aktibidad na may kinalaman sa kalusugan mula Disyembre 2020 hanggang Enero 15, 2021.

Masaya naman si Duque sa malaking ibinaba ng bilang ng mga naputukan sa naging pagsalubong sa bagong taon.

Nasa 50 lang kasi ang nai-record na biktima ng firecrackers sa pagitan ng Disyembre 31 hanggang Enero 1, 2021.

Ang nasabing bilang ay 85 percent na mas mababa kumpara sa 340 total cases noong pagsalubong sa 2020.

Habang 89 percent naman itong mas mababa kumpara sa five-year average o mula 2015 hanggang 2019.