-- Advertisements --

Ipinaaral ng Kamara sa Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na isailalim sa hold departure oder ang mga executive ng PhilHealth.

Sa pagpapatuloy ng joint committee hearing ng Kamara sa mga iregularidad sa PhilHealth, inaprubahan ang paghingi ng legal opinion sa DOJ hinggil sa naturang usapin.

Ito ay matapos na inirekominda ni Aklan Rep. Tedodorico Haresco na maglabas ang DOJ ng HDO laban sa mga matataas na opisyal ng state health insurer.

Ito ay para hindi aniya lumabas ng bansa ang mga opisyal na ito ng PhilHealth sa gitna ng mga iregularidad na kinakaharap sa ngayon ng ahensya.

Pero, iginiit ni Cavite Rep. Crispin Remulla na hindi ito maaring gawin sa ngayon sapagkat wala pa namang kasong kinakaharap ang mga opisyal na ito ng PhilHealth.