-- Advertisements --

May ilang negosyante na ang nakaranas na ma-heat stroke ang mga alagang baboy.

Karamihan ngayon na ginagawa nila ay habang maliit pa lamang ay kanila na itong ibinebenta at hindi na ma-heat stroke.

Hinikayat naman ni Department of Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa ang mga hog raisers na ilapit ang nasabing problema sa kanilang mga provincial agriculture office para magawan na agad nila ito ng paraan.

Giit naman nito na minimal lamang ang epekto ng El Nino sa mga piggeries at poultry farms kumpara sa mga iba’t-ibang pananim.