NCDJ
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Upang masigurong ligtas sa COVID-19 ang mga bilanggao sa North Cotabato District Jail (NCDI) sa Amas, Kidapawan City, planong magtayo ng isolation facility sa loob ng compound nito ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Ito ang laman sa isinagawang pagpupulong ng Integrated Health office, Bureau of Jail Management (BJMP), Department of the Interior and Local Government, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Division at Provincial Engineering’s Office dahil sa kahalagahan ng pagkaroon ng sariling isolation facility lalo na ngayong may krisis na dulot ng COVID-19.

Ayon kay IPHO head Dra. Eva Rabaya, ang isolation facility ay hindi lamang para sa mga COVID-19 suspect o probable patient dahil magagamit din ito sa pag-isolate sa mga bilanggong pasyente na may iniinda at nakakahawang sakit.

Maari rin itong gawing infirmary kung saan mayroong sariling doctor at nurse na siyang aalaga at aasikaso sa pangangailangang medikal ng mga inmate.

Inatasan din ng pamahalaang panlalawigan si Rabaya na makipag ugnayan sa DOH sa nasabing mungkahi at mga kinakailangang iproseso.

-- Advertisement --

Nagpasalamat naman si NCDJ Jail Warden JCL Israel Arboleda sa suporta at pagmamalasakit sa mga bilanggao ang NCDJ personnel.