-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 31 16 02 31
IMAGE | Bangko Sentral ng Pilipinas

Nakapagtala ang Pilipinas ng historic balance of payments (BOP) deficit noong 2022 kasunod ng mas malawak na trade gap sa naturang period.

Base sa data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang balance of payments surplus noong December 2022 ay $612 million kumpara sa $756-million deficit noong buwan ng November at ang $991-million surplus sa parehong period noong 2021.

Pero hindi raw ito sapat para ma-offset ang deficits na naitala noong mga nakaraang buwan dahil ang full-year balance of payments position ay nanatili sa deficit na $7.263 billion.

Ang 2021 surplus naman noong 2021 ay $1.345-billion.

Ang balance of payments ay kinabibilangan ng Philippine transactions sa iba pang bansa sa naturang period.

Tumutukoy ang surplus sa mas maraming pondo na pumasok sa bansa habang ang deficit naman ay mas maraming pondo ang lumabas sa bansa.