-- Advertisements --

Mayroon ng napiling papalit sa nagbitiw na New Zealand Prime Minister Jacinda Arden.

Napili ng kaniyang Labour Party na ipalit si Chris Hipkins.

Inaasahan na makukumpirma ito ng 64 na mambabatas si Hipkins sa nasabing posisyon sa Linggo.

Ang 44-anyos na si Hipkins ay unang nahalal sa Labour Party noong 2008.

Sa kasalukuyan ay siya ang minister of police, education and public service ganun din ang leader ng House.