-- Advertisements --
Mababalewala lamang ang inihain na motion for reconsideration (MR) ng kampo ng pinatay na transgender woman na si Jeffrey “Jennifer” Laude dahil sa absolute pardon na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Joseph Scott Pemberton.
Ito ang malungkot na inihayag ni Atty. Virgie Suarez sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo. Mababasura aniya ang mahabang panahon na pakikipaglaban para sa hustisya ng naiwang pamilya ng biktima.
Mas maganda raw sana kung makarating sa Supreme Court ang kaso para lang maayos at mabigyan ng mas malinaw na paliwanag kung kailan mag-aapply ang good conduct time allowance (GCTA) rule.
Nitong nakalipas na Lunes nang ipag-utos na ng korte ang recomputation ng Bureau of Corrections (BUCOR) sa GCTA credits ni Pemberton.