Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission na i-block ang access ng mga website at applications ng mga foreign exchange o investment platforms na hindi lisensyado sa bansa.
Ito ay matapos nga na ireklamo ng Securities and Exchange Commission hinggil sa umano’y pag-aalok nito ng mga investments opportunities nang walang kaukulang lisensya.
Sa isang statement ay nagpahayag ng pasasalamat si SEC Chairman Emilio Aquino sa NTC nang dahil sa pagsuporta nito sa kanilang kampanya hinggil sa mga investment scams at iba pang mga predatory financial schemes sa bansa.
Aniya, ang direktibang ito ng NTC ay malaki ang maitutulong upang maiwasana ng anumang uri ng proliferation ng investment scams sa Pilipinas.
Kasabay nito ay tiniyak ng naturang komisyon na magpapatuloy ito sa pakikipagtulungan sa NTC para sa pagsasagawa ng mga kaparehong aksyon sa iba pang mga platforms na nagsasagawa ng mga illegal investment-taking activities at iba pang predatory financial schemes.
Kung maaalala, ang Securities Regulation Code sa bansa ay kinakailangan ng prior registration sa SEC ng alinmang securities para sa public offering.
Ang naturang registration papers ay kinakailangang naglalaman ng detailed information tungkol sa securities, kabilang na ang issue price, paggamit ng proceeds of sale, at nature of the securities.
Ang mga kumpanya na mag i-isyu ng securities ay kinakailangang i-secure mismo mula SEC ang kanilang license to sell or offer securities sa publiko. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)