-- Advertisements --

Nilinaw ng Manila Electric Company (Meralco) na wala silang kinalaman sa nangyaring aberya sa operasyon ng MRT-3 kaya ito nasuspinde.

Sa isang panayam sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga may sapat na reserba ng kuryente ang kanilang hanay para sa araw na ito.

Posible umanong internal problem ng MRT-3 management ang sanhi ng insidente na nagdulot ng pagkaantala ng biyahe ng libu-libong pasahero nito.

Inamin ni Zaldarriaga na mula nang maitala ang insidente kaninang alas-6:00 ng umaga ay inulan na sila ng reklamo.

Ayon sa MRT-3 management, sisikapin nilang maibalik ang operasyon bago mag-alas-5:00 ng hapon mamaya.

Batay sa ulat, nawalan ng supply ng kuryente ang Shaw Boulevard station sa Mandaluyong hanggang Santolan station sa Quezon City.

Dulot umano ito ng pagkakaputol ng Overhead Catenary System sa northbound ng Guadalupe station na naka-apekto sa buong railway system.