-- Advertisements --

Hindi dapat matakot si dating Pangulo Rodrigo Duterte na humarap sa International Criminal Court (ICC) hinggil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao sa ilalim nuon ng kaniyang administrasyon.

Ito ang binigyang-diin ng mga administration lawmakers na sina Reps. Ernesto Dionisio ng Manila’s first district, Mohamad Khalid Dimaporo ng Lanao del Norte’s First District at Francisco Paolo Ortega ng First District ng La Union.

Batay sa deklarasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., walang jurisdiction ang ICC sa Pilipinas at hindi nito kilalanin ang mga gagawing imbestigasyon.

Gayunpaman sinabi ng Pangulo maari pa rin naman sila pumunta sa Pilipinas bilang mga bisita.

Ayon kay Rep. Dionisio, maging siya ay kaisa sa paninindigan ng Pang. Marcos na walang jurisdiction sa bansa ang ICC, subalit walang dapat ikatakot kung walang itinatago.

Dagdag pa ni Dimaporo kung walang itinatago hindi dapat matakot sa ICC.

Ipinunto ni Dimaporo na hindi kailangan mag imbestiga ng ICC hinggil sa libo libong kaso ng extrajudicial killings sa bansa dahil gumagalaw ang batas sa bansa.

Sa panig naman ni Rep. Ortega naiintindihan nila kung bakit 59 percent ng mga respondents sa latest OCTA survey na suportado ng mga ito ang ICC probe sa bansa.