-- Advertisements --
image 114

Tinulungan ng DMW ang hindi bababa sa 25 OFWs at kanilang mga pamilya na lumipat sa mas ligtas na lugar sa Israel matapos ilunsad ng militanteng grupong Palestinian ang kanilang shock attack.

Una nang naiulat ang dalawang Pilipino na nasugatan kasunod ng malawakang opensiba ng Hamas laban sa Israel.

Limang Pilipino ang nanatiling hindi nakilala ng mga awtoridad.

Dalawa sa kanila ay nagtatrabaho sa bukirin habang ang iba ay nasa magkahiwalay na lugar.

Ayon sa kay DMW OIC Hans Leo Cacdac, posible na nasa safe rooms ang mga Pinoy o sa mga bahay kung saan sila ay ligtas.

Sa madaling salita, sila ay maaaring lumipat umano sa mga lugar kung saan ang kanilang mga kapwa Pilipino ay maaaring naroroon o kung saan sila ay mas ligtas sila.

Dagdag dito, umabot na sa 1,100 ang bilang ng mga nasawi sa labanan na minarkahan ang ikatlong araw ng mga sagupaan.

Nauna nang sinabi ng mga opisyal na bineberipika nila ang mga ulat na ilang Pilipino ang kabilang sa mga hostage.