Hindi sinang-ayunan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang hiling ni Sen. Leila de Lima na ibasura ang natitira nitong drug trading case na nagawa raw sa New Bilibid Prison (NBP), habang ito ay Justice secretary pa.
Sa dalawang pahinang desisyon ni Presiding Judge Liezel Aquiatan, sinabi ng huwes na kailangang magpakita ng ebidensya si De Lima at ang dati nitong driver na si Ronnie Dayan, na sila ay mga inosente sa mga ibinibintang na kaso.
Matatandaang apat na taon nang nakakulong ang senadora dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Isa sa tatlong asunto ang nabasura na ngunit may iba pang mga nakabinbing usapin.
Sa pagtimbang ng huwes, malakas daw ang ilang ebidensya upang idiin ang mga akusado.
Kaya naman, nangangailangan sina De Lima at Dayan ng patunay na sila ay inosente samga bintang.
“Taking into consideration the pieces of evidence of the prosecution collectively perused and analyzed, the Court is convinced that the evidence of guilt is strong,” saad pa ng korte.