-- Advertisements --
20201216 142002

Papalo sa P9.3 million ang halaga ng mga misdeclared shipments nag nasabat ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic.

Nakadeklara ang naturang shipment na Frozen Jams at nakapangalan sa Zhenpin Consumer Goods Trading na dumating sa bansa noon pang buwan ng Nobyembre.

Nang dumaan ito sa inspection sa pakikipag-ugnayan ng Customs sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), National Bureau of Investigation (NBI) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ay dito na tumambad ang mga hindi deklaradong mga fresh carrots at broccoli.

20201216 141934

Agad naman itong kinumpiska dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o mas kilalang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Department of Agriculture (DA) Circular No. 04 series of 2006. 

Magsasagawa naman ngayon ang mga otoridad ng hearing para sa mas malalimang imbestigasyon sa insidente.