Pumalo na sa mahigit Php527 million na halaga ng humanitarian relief na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga residente na apektado ng pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, at CARAGA.
Sa isang panayam, sinabi ni DSWD Usec Edu Punay na aabot sa 760, 000 na pamilya ang naitalang apektado ng naturang weather condition.
Ito rin aniya ay patuloy na inaabutan ng tulong ng gobyerno.
Aabot naman sa 393 million na food packs ang naipamahagi ng kanilang ahensya.
Sinabi pa ng ahensya na nakapag bigay na ito ng Php 141 million cash assistance.
Batay sa datos, nasa 34 evacuation area pa ang kanilang minomonitor na pinamamalagian ng higit 4, 000 indibidwal.
Tiniyak naman ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng nasalanta, itoy kahit pa karamihna sa mga ito ay nagsibalik na sa kanilang mga tahanan.