Ninakawan ng mga armadong kalalakihan kagabi ang isang pamilyang negosyante ng isda at pusit sa Brgy. Hilantagaan bayan ng Sta. Fe sa Isla ng Bantayan Cebu.
Tinangay ng pitong hindi pa nakikilalang mga suspek ang P465,000 na cash mula sa pamilya.
Kabilang din sa kinuha mula sa mga biktima ang apat na cellphone, isang box ng CCTV recorder at isang CPU.
Tumakas naman palayo ang mga suspek gamit ang 2 pumpboat na kulay blue at ang isa nama’y puti at orange.
Ayon pa sa mga otoridad na sugatan ang isang miyembro ng pamilya na si Danny Boy Carabio.
Bigla nalang umanong sumulpot sa kanilang bahay ang mga suspek nang walang malinaw na dahilan at tinamaan ng baril ang ulo ng biktima gamit ang hindi pa tukoy na armas bago tinangay ang pera at iba pang mga nabanggit na gamit.
Samantala, magbibigay ng reward money si Sta. Fe Mayor Ithamar Espinosa sa makapagtuturo kung sino ang nasa likod ng insidente.
Hinimok rin nito ang pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at maipakulong na ang mga ito.