LAOAG CITY – Nagpapatuloy ang assessment ng Department of Public Works and Highways Second Engineering District dito sa Ilocos Norte sa mga damages dahil sa Bagyo Florita.
Ayon kay Engr. Alwin Pido, Chief Maintenance Section ng DPWH Second Engineering District, ang mga flood control projects na dati nang may sira yun rin ang tinamaan dahil sa Bagyo.
Sinabi nito na kabilang sa proyekto na mas nasira pa ay sa Barangay Madamba sa bayan ng Dingras kung saan aabot sa 25 milyong piso ay kanilang kakailanganin, at 20 milyong piso naman sa Barangay Guerrero sa nasabi ring bayan.
Maliban dito, nakita rin nila ang ilang damages sa Batac-Banna Road, Ilocos Norte-Abra Road, Batac-Pinili Road at Apayao Road.
Inihayag rin niya na wala ring naitalang pagguho ng lupa lalo na sa mga bulubunduking parte ng lalawigan.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Engr. Cynthia Iglesia ang publiko lalo na ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot para narin sa kanilang kaligtasan.