-- Advertisements --

Nasimulan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pamamahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) patungo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Paglilinaw ito ng DBM kasunod nang pagbatikos ng ilang senador sa ahensya dahil sa hindi pa rin paglalabas sa karamihan sa pondong nakalaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan 2, na naglalayong matulungan ang mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Mababatid na ang unang Bayanihan Law, ang Bayanihan to Heal as One Act, ay naglalayon na payagan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-reprogram, reallocate at realign ang mga items sa ilalim ng 2020 national budget para gamitin sa COVID-19 response, habang ang Bayanihan 2 naman ay naglalaman ng stimulus funding na nagkakahalaga ng P140 billion at standby fund na P25 billion.

Ayon sa DBM, P4.413 billion ng P140 billion ay naipamahagi na nila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa P4.413billion, P2.552 billion ang naibigay na sa Department of Interior and Local Government para sa hiring at training ng mga contact tracers.

Karagdagang P855.1 million naman ang sa Office of the Civil Defense para sa construction at maintenance ng mga isolation facilities.

Kabuuang P215.5 million ang ibinigay din sa mga local government units sa pamamagitan ng Bureau of Treasury, para suportahan ang kanilang COVID-19 efforts, habang P820 million naman ang ibinigay sa Department of Foreign Affairs para tulungan ang mga repatriates mula sa mga bansang apektado ng pandemya.

Sa kabilang ng mababang percentage ng funde use, sinabi ng DBM na P46.20 billion ng pondo ang pinoproseso na at nairekomenda na rin sa Office of the President.