-- Advertisements --
Papalo sa mahigit P2 million na halaga ng shabu ang nasabat ng Police Regional Office IV-A (PRO IV-A) sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pasong Buaya, Imus City, Cavite.
Sa isang statement, sinabi ni PRO IV-A Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., ang street value ng naturang kontrabando ay papalo sa P2,040,000.
Naaresto naman sa operasyon ang isang babae at isang lalaki na parehong 20-anyos.
Nasa 300 grams ng iligal na droga ang nakumpiska sa naturang operasyon.
Inihahanda na ng PNP ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.