Aabot sa P2.3 billion ang halaga ng mga gamit nang mga damit o ukay-ukay ang nasabat ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BoC-MICP) sa Mayzan, Valenzuela City.
Ang mga kontrabando ay nasabat sa pamamagitan ng Letter of Authority (LOA) na inisyu by BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
Nang maisilbi ang LOA, agad nagsagawa ng inspection ang composite team sa warehouse na kinaroroonan ng mga ukay-ukay.
Dito na tumambad ang counterfeit items na mayroong brands na Nike, Louis Vuitton at Dior.
Maliban dito, narekober din ang ilang karton ng ukay-kay, face masks at iba pang imported items.
Nag-isyu namang ng Warrant of Seizure and Detention si MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales dahil sa paglabag ng shipment sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nasabat ang mga kontrabando sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP sa koordinasyon ng mga ito sa Enforcement and Security Service (ESS), Philippine Coast Guard (PCG) at Presidential Anti-corruption Commission (PACC).