BAGUIO CITY – Arestado ang isang babae sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa isang hotel sa Santo Tomas, Proper, Baguio City kagabi.

Nakilala ito na si Lea TaƱega Amor, 30-anyos na dating assistant cook at residente ng Irisan, Baguio City.

Nakumpiska sa kanya ang P136,000 na halaga ng shabu na nakalagay sa apat na pakete at mga drug paraphernalia.

Napag-alamang may kaso na ang nasabing babae at dating bilanggo.

Sa ngayon, nahaharap naman si Amor sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sinira ng mga otoridad ang P2.8 milyong halaga ng marijuana sa loob ng dalawang araw na eradication sa Vicinity Ara, Tulgao West, Tinglayan, Kalinga.

Nadiskobre ng mga otoridad ang ang 14,000 na fully grown marijuana plants sa apat na plantation sites sa nasabing lugar.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan 5 Foxtrot Gabot pero walang nahuling cultivator sa nasabing marijuana eradication.