NAGA CITY – Arestado ang 13 katao, habang hinahanap naman ang isa pa kasundo ng isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Naga.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman unang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa bisa ng hawak nilang search warrant sa Barangay San Felipe at Peñafrancia, Naga City.
Sa nasabing operasyon, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Araceli Arbuis, 67; Anjaneth Arbuis, 30; Portia Arbuis, 28; pero nakatakas naman ang isa pang suspek na si Luis Arbuis.
Samantala, sa isinagawang operasyon sa barangay Lerma, Naga City ay naaresto ang pitong katao na kinabibilangan nina Bryan Trasmer, Susana Bacod, kasama sina Marcelino Nodado, Napoleon Bongat, Bobby Imperial, Mark Omnis, at Carlito Magnate.
Aabot sa siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na nagkakahalaga ng nasa P102,000.00 at mga drug paraphernalia ang nasabat ng mga pulis.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o paggamit ng iligal na droga ang naturang mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.










