Panibagong dagok ang kahaharapin ng mga motorista sa ikatlong linggo ng 2021 dahil sa malakihang oil price hike na ipatutupad bukas, Martes.
Ayon sa mga oil companies, papalo sa P1 ang kada litro ng gasolina, mas malaki sa diesel na P1.05 habang P0.95 naman ang umento sa kerosene.
Ang Pilipinas shell, Cleanfuel at Petro Gazz ay magpapatupad ng parehong price increase puwera lamang sa kerosene dahil walang adjustment na ipatutupad ang Petro Gazz at Cleanfuel.
Epektibo na ang oil price hike simula bukas dakong alas-6:00 ng umaga para sa Petro Gazz at Pilipinas Shell habang alas-4:00 ng hapon naman ang pagpapatupad ng Cleanfuel sa adjusted price.
Wala pa namang paabiso ang ibang oil companies kung magpapatupad ang mga ito ng oil price increase.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagkaroon ng oil price hike ngayong taon.