Asahan ang malakihang oil price rollback sa susunod na linggo.

Una nang nag-anunsiyo ang Phoenix Petroleum na magbabawas ito ng presyo sa kada litro ng kanilang gasolina sa P1.30.

Epektibo na ito kaninang tanghali.

Asahan namang mag-aanunsiyo ang ilang oil companies sa mga susunod na araw.

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.