Nasa mahigit P1 milyong piso halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Manila Police District, Ermita Police Station sa ikinasang buy-bust operation sa may bahagi ng Block 15, Baseco Compound, Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw, June 14,2020.
Ang matagumpay na operasyon ay bunsod ng matagal na intelligence gathering, monitoring laban sa mga suspek na sangkot sa large scale drug operation sa Metro Manila.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief MGen. Debold Sinas ang drug suspek na si Normina Kamsa alias Nur, 29-anyos, residente ng nasabing lugar at kabilang sa District Drug watchlist.
Nasa kabuuang 148 gramo ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga pulis na may market value na P1,006,400.00.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ( Selling, Distribution, and Transportation of Dangerous Drugs) at Section 11 ( Illegal Possession of Dangerous Drug) at Article 11 of RA 9165 otherwise known as Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni Sinas ang mga tauhan ng Ermita Police Station sa kanilang matagumpay na operasyon.