Umabot na sa mahigit P1.153 billion na halaga ng cocaine ang nasabat ng mga otoridad sa mga baybayin ng eastern seabord ng bansa sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Col. Bernard Banac, mahigit na sa 1,228.78 kilos ng mga bloke-blokeng cocaine ang kanilang narerekober.
Ang mga bloke ng cocaine ay natagpuang palutang-lutang sa dagat ng mga mangingisda sa mga lugar ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island, Davao Oriental, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon at Aurora mula Pebrero hanggang ngayong Abril.
Una nang inihayag ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency na ginagawa lamang transhipment point ng mga sindikato ang Pilipinas at hindi ito nakalaan para sa merkado ng bansa.
Dahil sa mga narerekober na bloke ng mga cocaine, pinaigting ng PNP Maritime Group ang kanilang pagpatrolya sa karagatan.










