-- Advertisements --
Aabot sa 88,585 overseas Filipino workers (OFWs) ang nag-apply para makakuha ng financial aid mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai.
Pero sapat lamang sa 17,000 OFWs ang pondo sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program ng Department of Labor and Employment, na nagbibigay ng one-time assistance na AED 730 (P10,000).
Ayon kay Labor Attaché Felicitas Bay aabot na sa 34,083 applications ang kanilang na-evaluate at 14,949 dito ang aprubado na sa kasalukuyan.
Hanggang noong Biyernes, Hunyo 19, 10,997 OFWs na ang napahatiran ng AKAP cash aid.
Nabatid na hindi sakop ng AKAP program ang mga OFWs na nabawasan ang sahod at iyong mga iniklian ang work week with pay.









