Tinanggal na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ng mahigit 755,000 na pangalan ng mga botanteng namatay na sa registration records ng komisyon.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na kabuuang 755,769 na pangalan ang tinanggal na sa record at wala na sa voters list para sa May 9 elections.
Ayon kay Garcia ang 755,769 na pangalan sa registration records ay nakansela dahil sa rason na patay na ang mga ito.
Kasabay nito, hiniling naman ni Garcia sa kamag-anak ng mga namatay na botante na magprisinta ng death certificates sa mga local Comelec para updated ang kanilang record kahit wala nang certification mula sa civil registrar.
Samantala, sinabi naman ni Garcia na namatay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa labas ng kanilang residence dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay posibleng nasa voters list pa rin ang mga pangalan.
Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Garcia, ipinaliwanag nito ang posibilidad na posibleng magamit pa rin ang pangalan ng mga namatay na botante sa pagboto.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Garcia na papalo sa 1,490,678 ang mga botanteng lumipat sa iba pang munisipalidad at siyudad habang 892,627 naman ang mayroong double registration.
Dineactivate din ng Comelec ang 7,229,493 individuals na bigong makaboto sa dalawang magkasunod na halalan.
Mayroon namang 6,950,449 na bagong registrants para sa May 9 elections.