-- Advertisements --

Umabot na sa 7,751 na tauhan ng Philippine National Police ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa ulat ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kabilang sa nabigyan ng unang dose ng bakuha ay ang 5,955 personnel gamit ang Sinovac, 1,791 sa AstraZeneca, 3 sa Moderna at 2 sa Pfizer.

Habang nabigyan ng ikalawang dose ang 1,549 personnel gamit ang Sinovac at 2 sa Pfizer.

Ayon kay Eleazar ang mga nabigyan ng bakuna ng Moderna at Pfizer ay Police Attaches at Adminisrative Assistants sa ibang bansa.

Tuloy-tuloy naman ang pagbabakuna ng PNP lalo’t umabot na sa 2,481 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Samantala, umabot na sa na mga police personnel ang nabakunahan na.

Sa datos ng PNP nasa 4,406 ang nabakunahan ng Sinovac; nasa 1,791 naman sa AstraZeneca, tatlo sa Moderna at dalawa sa Pfizer.

Nilinaw naman ni Eleazar ang mga nagpaturok ng bakuna ng Moderna at Pfizer sa abroad ay mga Police Attaches, mga administrative assistants.