-- Advertisements --

ILOILO CITY – Aabot sa 14 na sako ng mga pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group at Bureau of Internal Revenue sa isinagawang raid sa Barangay Tabuc Suba, La Paz, Iloilo City.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Imelda Boniva, may-ari ng bahay na ni-raid, sinabi nito na may ahenteng nagbebenta ng mga sigarilyo sa murang halaga kaya naengganyo itong bumili.

Ayon kay Boniva, ang isang rim ng sigarilyo na kanyang binili ay nagkakahalala lamang ng P150.00.

Paliwanag daw sa kanya ng mga naka-unipormeng ahente na luma ang packaging ng sigarilyo, dahilan kung bakit mas mura ito kompara sa regular na presyo.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad si certain Tony Chua, ang tinuturong source ng mga pekeng sigarilyo.

Nabatid na naglalaman ng 715 rims o 7,150 kaha ng sigarilyo ang mga nakumpiskang sako.