LA UNION – Mahaharap sa pagbabayad ng multa at makukulong pa ang mga lalabag sa lockdown na ipinapatupad ng pamahalaan ng Jeddah, Kingdon of Saudi Arabia.
Ayon kay Allen Colcol, na tubo ng Caba, La Union at apat na taon ng nagtatrabaho sa nasabing bansa, may multang 10,000 Rial o katumbas ng P130,000 ang babayaran ng lalabag kung saan nagsimula ang lockdown noong Abril 7 hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi pa nito na mahigpit rin ang pagsunod sa pagsuot ng facemask, gloves at social distancing.
Samantala, aabot na sa 6,380 COVID-19 case sa naturang bansa at mahigit 500 ang nadadagdag sa isang araw.
Ayon pa sa kanya, agad namang tinutugunan ng embahada ng Pilipinas ang mga hinaing ng mga OFWs sa bansang Jeddah.
Wala naman umanong problema sa pagpapadala nila ng pera sa mga mahal sa Pilipinas dahil online nila itong ginagawa.
Gayunman, gaya rin ng ibang bansa marami rin sa mga OFW’s doon ang walang trabaho.