-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mamimigay ng higit limang milyong face masks ang gobyerno ng Singapore.
Ito’y matapos umakyat na sa 13 ang kumpirmadong biktima ng Novel Coronavirus.
Ang mga biktima ay pawang mga dayuhan mula sa Wuhan, China at nagdiwang ng Chinese New Year sa Singapore.
Ayon kay Bombo International Correspondent Mercy Cacan, direkta sa Singapore, sinabi nito na ang bawat bahay sa Singapore ay tatanggap ng apat na surgical masks.
Patuloy rin anya aniya ang abiso ng embahada na umiwas sa mga matataong lugar upang maiwasan na mahawa ng sakit.