Iniulat ng Presidential Communications Office (PCO) na nasa 48.84 million Filipino na ang may trabaho ngayon.
Ito’y matapos muling umakyat ang employment rate ng bansa sa 95.5% nitong June 2023 mula sa 94% sa parehong buwan noong 2022.
Ayon sa PCO bumaba ang unemployment rate sa 4.5% mula sa 6.0% sa parehong panahon.
Batay sa datos ang labor force participation rate nuong June 2023 ay nasa 66.1% habang ang underemployment rate ay nasa 12.0%.
Ipinapakita naman sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nananatiling matatag ang labor force ng Pilipinas.
Tinukoy naman ng PSA ang top 5 sub-sector na nagpakita ng mataas na bilang ng may trabaho nitong June 2023.
Ito ay ang mga sumusunod: Accommodation and food service activities; Agriculture and forestry; Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; Other service activities at Public administration and defense; compulsory social security.
Habang ang mga sumusunod na sub-sector na may pinakamataas na pagbaba sa bilang ng mga taong may trabaho mula Hunyo 2022 hanggang Hunyo 2023.
Ito ay ang mga sumusunod: Fishing and aquaculture; Manufacturing; Professional, scientific and technical activities; Mining and quarrying at Information and communication.