-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 370,000 family food packs na ang nakahandang ipamahagi sa apat na rehiyon na naapektuhan ng pagdaan ni bagyong Bising.

Batay sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng ahensya, nasa 370,058 family food packs na ang kanilang inihanda na tinatayang nagkakahalaga ng P188 million.

Nabatid din dito na mahigit P527.74 million na halaga ang non-food items at mahigit P300 million naman para sa food items.

Sa kasalukuyan ay aabot na ng P564 million ang kabuuang standby funds ng DSWD. Sa nasabing halaga, P517 million ang inilaan bilang available standby funds ng DSWD Central Office at P44 million naman sa mga field offices.

Tiniyak naman ng ahensya sa publiko na sapat ang pondong nakalaan para tulungan ang mga local government units (LGUs) na apektado ng nasabing bagyo.