Nasa 33,354 police personnel ang naturukan na ng COVID-19 vaccine nationwide.
Sa datos na inilabas ni PNP ASCOTF at Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na sa nasabing bilang 26,378 ang naturukan ng Sinovac vaccine; 4,612 Astrazeneca; 116 Sputnik-V; 2,221 Pfizer; 18 Moderna; 3 Janssen at 6 Sinopharm.
Sinabi ni Vera Cruz nasa 13,016 naman na mga police personnel ang fully vaccinated na.
Inihayag ni Vera Cruz na sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang vaccination sa mga tauhan ng PNP lalo na doon sa mga ina-accomodate ng mga local government units (LGU) at sa iba pang mga sponsors.
Sa ngayon naghihintay pa rin ang PNP sa pagdating ng kanilang vaccine allocation para maturukan na rin ang mga pulis na sa A4 category.
“Wala pa kami allocation na bago but yes tuloy-tuloy dun sa ina-accommodate ng LGUs and other sponsors,” mensahe na ipinadala ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Nasa 28,000 doses ng Sinovac vaccine ang inilaan ng DOH para sa mga pulis sa NCR subalit ang naibigay lamang sa kanila ay 500 kung saan kabilang si PNP vchief Gen. Guillermo Eleazar sa unang nabakunahan Nuong June 15.
Sinabi naman ni Eleazar, nag-request na sila sa DOH at iniintay na lamang nila ang dagdag na vaccine allocation.
Kumpiyansa naman si PNP chief na sa milyong bakuna na dumarating sa bansa tiyak ay malapit na rin silang mabigyan.
“We already made our request at iniintay lang natin. With the millions of vaccines now arriving, palagay ko malapit lapit na kami buhusan niyan. Itong 93 of our personnel who have signified their willingness to be vaccinated, based on our survey this more 93.12 percent, konti na lang ang ayaw, mababakunahan na. Yung natitira na mga almost 7 percent wala pan naman bakuna. Tingin ko kapag kami nabakunahan magbabago rin ang isip na yan. Hindi natin pipilitin but we can influence them with what we are doing right now,” pahayag ni Gen. Eleazar.