-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pansamantalang ni-relib muna ng Police Regional Office 10 sa kani-kanilang mga trabaho at assignments ang mahigit 300 organic members nila na kinabilangan ng limang commission officers na nakabase sa Northern Mindanao region.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO 10 spokesperson Police Maj. Joann Galvex Navarro na kaugnay nito sa nalalapit na kampanya at mismong halalang pang-barangay kung saan ang nabanggi na mga pulis ay mayroong mga kaanak na tumakbo sa magkaibang posisyon.

Sinabi ni Navarro na hindi na bago sa kanila ang troop movement kaya nagbigay pahintulot naman ang Commission on Elections na magkaroon ng paglipat sa iilan sa mga tauhan nila.

Pagpapaliwanag ng PRO 10 na hindi nila pahintulutan na magkaroon ng dungis ang kanilang ahensiya kaya nasa 317 active members nila ang inilipat muna sa ibang lugar.

Magugunitang nasa mahigit dalawang libong barangay ang nasasakupan ng Northern Mindanao at halos 68,000 na kandidato ang tumakbo at babantayan ng pulisya at militar sa kasagsagan ng kampanya at mismong araw ng halalan.