-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mahigit sa 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Bicol na na-stranded nang maabutan ng lockdown.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay OWWA Bicol spokesperson Rowena Alzaga, base sa huling tala ay nasa 308 na ang kabuuang bilang ng mga OFW na napauwi na sa kani-kanilang lalawigan sa Bicol.
Ayon kay Alzaga, isinailalim pa rin sila sa rapid test at 14-day quarantine ng mga local government unit bilang ibayong pag-iingat laban sa coronavirus disease.
Samantala, magandang balita naman para sa mga OFW na nawalan ng kabuhayan dahil maaari silang mag-apply sa “DOLE-AKAP” Program at maaaring makatanggap ng P10,000.