KORONADAL CITY – Umabot na sa mahigit 3 tonelada o 3,000 kilo ng tilapia ang apketado ng fish kill sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Lake Warden Rudy Muyco sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Muyco, apektado ng fish kill ang mga Sitio sa Barangay Poblacion, Takunel at Bacdulong.
Dagdag pa nito, ilan sa mga operators ay nagsagawa nang emergency harvest upang maisalba pa ang natitirang tilapia na pwedeng maibenta.
Ngunit dahil sa dami ng supply, nasa P90 per kilo na lamang ang presyo nito at pinag-aaralan pa kung meron bang pagtaas ng presyo ng tilapia sa lugar at sa mga Merkado.
Napag-alaman na ang kamahong ay bunsod ng pabago-bagong takbo ng panahon at pagbaba ng dissolve oxygen sa lawa.
Kung matatandaan hindi ito ang unang beses na may nangyaring kamahong sa Lake Sebu.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang assessment sa kabuuang mga fish cages na apektado ng fish kill.
Handa namang magbigay ng ayuda o tulong ang LGU Lake Sebu sa mga apektadong fish cages owners.