-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 3.2 million doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program.

Ayon sa Quezon City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) nasa mahigit 1.8 million o 107.51% ng 1.7 Million na target adult population ang nabakunahan na ng first dose, habang nasa mahigit 1.4 o 90.30% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan,1,542,405 o 90.73% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated. Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Ayon sa CESU malaking bagay ang magpa bakuna lalo at nananatili ang banta ng Delta variant.

Samantala, nasa 94.4% o 160,652 na ang gumaling mula sa COVID19 infection sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 8,082 ang kumpirmadong active cases mula sa 170,179 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.