Nakatakdang magtapos ngayong araw na ito ang ipinatupad na nationwide gun ban kaugnay ng nakalipas ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa bansa.
Batay sa datos ng pambansang pulisya, pumalo sa 2,631 na indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban.
Ang datos na ito ay mula August 28 hanggang Nobyembre 28 ng kasalukuyang taon.
Ayon sa PNP, umabot sa kabuuang 2,004 ang nakumpiska nilang mga armas sa naturang period.
Kaugnay nito ay tinatayang aabot naman sa 2,725 na mga baril ang matagumpay na idineposito para sa kaukulang pag iingat habang 2,208 naman ng baril ang kusang isinuko sa pulisya.
Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng karagdagang 330 na insidente bago magsimula at pagkatapos ng halalan.
104 mula sa nasabing hilang ay may kaugnayan sa eleksyon habang 219 dito ay non-election related incidents at 7 dito ay pinaghihinalaang may kinalaman sa eleksyon.