-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa 26,872 contact tracers na ang kanilang na-hire at kasaluluyang naka-deploy na sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bago pa man mapirmahan ang Bayanihan 2 Law, nagsimula nang maghanda ang mga DILG field offices para sa gagawing recruitment, hiring at training para sa mga bagong hired contract tracers.

Sinabi ng Kalihim na sa ilalim ng Bayanihan 2, target ng pamahalaan na makapag-hire ng 50,000 contract tracers bilang bahagi ng kanilang effort para maiwasan ang transmission ng coronavirus.

Kumpiyansa si Año na bago magtapos ang Oktubre, mabubuo nila ang kinakailangang 50,000 contact tracers.

Katunayan aniya, nasa 12,197 applicants pa ang pino-proseso na ng DILG.

Siniguro naman ng kalihim na ang lahat na ma-hire na contact tracers ay mga qualified sa posisyon at mabibigyan ng kompletong personal protective equipment, medical supplies at iba pang mga vital necessities.

Sa datos ng DILG, ang target ng hiring of contact tracers ay ang sumusunod:
Luzon: 45% o 12,421
Visayas: 69% o 6,234
Mindanao kabilang ang Bangsamoro Region: 62% or 8,217

Sa ngayon, tinatayang 62,112 na indibidwal ang nag-apply na sa iba’t ibang DILG field offices.

Ang bawat contact tracer ay makakatanggap ng minimum salary na P18,784 per month.