Nasa kabuuang 236,764 health protocol violators ang naitala ng PNP Joint Task Force Covid-Shield sa nagpapatuloy na implementasyon ng Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR).
Sa nasabing bilang,9,688 dito ang mga bagong reported violations.
Ayon kay JTF Covid-Shield Commander, Lt Gen. Israel Ephraim Dickson mula September 16 hanggang October 7, ang average daily number of violators ay nasa 10,762.
Dahil sa pinalakas at pinaigting na pagpapatupad ng minimum public health standard at curfew hours bumaba ang bilang ng mga violators.
Sinabi ng Heneral, 53% sa mga violators ang binigyan ng warning, 41% ang pinagmulta, habang 6% ang binigyan ng parusa.
Dagdag pa ni Dickson, nasa 7,614 ang daily average na naitatala ng PNP na lumalabag sa minimum public health standards.