-- Advertisements --

absentee5

Nasa 23,474 na mga sundalo at pulis ang bumuto sa pamamagitan ng Local Absentee Voting (LAV).

Ito ay batay sa partial report at accomplished ballots na natanggap ng Comelec as of 5:00 PM, May 3,2022.

Ayon kay Mr. Arnold Dizon, ang Over-all Supervisor ng Comelec sa Local Absentee Voting (LAV) sa kabuuan nasa 26,396 accomplished ballots ang natanggap ng Comelec mula sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sinabi ni Dizon, batay sa kanilang datos, ang Philippine National Police (PNP) ay mayruong 14, 281 accomplished ballots, ang Philippine Army ay mayruong 6,934; at Philippine Air Force (PAF) nasa 2,259.

Bukod sa PNP at AFP, ilan pang ahensiya ng gobyerno ang nag-avail kabilang dito ang Department of Education (Dep-Ed) na nasa 807; BJMP- 555; Bureau of Fire Protection (BFP) -17; Media – 809; Comelec-628; DILG-13; Phil Coast Guard (PCG) – 81; DFA-1, Public Attorney’s Office (PAO) – 2; National Power Corruption – 9.

Sa ngayon patuloy pa hinihintay ng Comelec ang iba pang mga balota sa buong bansa na nag avail ng Local Abseentee Voting.