Kinumpirma ng Johns Hopkins University na panibago na namang mahigit sa 2,000 ang mga namatay dahil sa COVID-19 ang naitala sa Amerika sa loob lamang ng isang araw.
Umaabot sa 2,046 ang pumanaw sa nakalipas lamang na 24 oras.
Ito na ang ika-22 araw sa Estado Unidos na merong mahigit sa 2,000 ang patay sa nakalipas lamang na magdamag.
Huling nakaranas ng ganitong kataas na bilang ng mga nasasawi ang US ay mula pa noong buwan ng Mayo.
Samantala nagpaalala naman si Michael Osterholm, ang director ng Center for Infectious Disease Research and Policy at the University of Minnesota, na kung maaari ay iwasan muna ang pagtitipon tipon bilang selebrasyon sa panahon ngayon ng Thanksgiving Day.
Ayon kay Osterholm, napakadelikado ng panahon ngayon dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nahahawa sa deadly virus.
Sa ngayon halos 200,000 cases ang naitatala sa Amerika sa araw-araw.
Kabado tuloy si Osterholm, miyembro rin ng Biden-Harris COvid-19 Advisory Council, na ang Thanksgiving surge ay maaring maging Christmas surge.