-- Advertisements --

Tini-trace na sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 20,000 Pensioners na hindi nakapag-update sa kanilang records.

Dahil dito, may mga idineploy na mga tracker teams ang mga Police Regional Offices sa buong bansa para hanapin ang mga PNP pensioners na hindi naisama sa huling accounting.

Ito’y bahagi ng 3rd Nationwide Accounting ng nalalabing 21,223 Pensioners na hindi nakapag-update ng kanilang records noong 2019 at hindi naka-rehistro ng kanilang biometrics sa initial Nationwide Accounting mula February 27 to March 13, 2020.

Para maging mas kumbinyente sa mga pensioners, bibisitahin sila ng mga tracker (track-care) teams sa kanilang last known address.

Ito ay alinsunod sa utos ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa kay Police Colonel Arthur Bisnar, Acting Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS) na i-modify ang proseso ng accounting ng mga Pensioners para tumugma sa “New Normal”.

Ang mga tracker teams ay susunod sa community quarantine guidelines at protocols ng IATF-MEID upang maprotektahan ang mga Pensioners na kabilang sa “most at-risk” at “vulnerable age groups.”

Nanawagan naman si Bisnar sa lahat ng concerned pensioners na makipag-ugnayan sa PRBS para sa anumang katanungan sa mga Hotline Numbers:
Globe – 0977 714 5263
Smart – 0961 899 0928
Sun – 0931 064 4316
TM – 0953 413 5924